Ako ang SAGING ng WAP

"mga kahindik hindik na pakikipagsapalaran ng saging sa mobile world"

Friday, May 16, 2008

kwentuhang saging

Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.

Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"

Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!" Ulit ni
Ngongo, "Ale, mango!"

Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango
at nabasag.

Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"


Dok: Anong nangyari sa mga tenga mo?

Pasyente: Nagpaplantsa kasi ako nang kumiriring ang telepono. Aksidenteng na-pick up ko 'yung plantsa.

Dok: Eh bakit dalawang tenga mo ang nagkaganyan?

Pasyente: Ang gago, tumawag uli!


Anak: Tay, masuwerte kayo at hindi na kayo bibili ng bagong libro para sa pasukan.

Tatay: Bakit?

Anak: Kasi po gagamitin ko uli 'yong mga binili ninyong libro para sa pasukan.

Tatay: Bakit naman anak?

Anak: Eh hindi po kasi ako nakapasa tay!


Boy 1: Pre naholdap ako, muntik pa ako mamatay!

Boy 2: Bakit, di ka ba humingi ng tulong?

Boy 1: Nagtext ako sa police station.

Boy 2: Oh anong sabi?

Boy 1: Hay naku! Ito reply............ "Hu u? Wer did u get my #?"


Filipino class....

Guro: Juan, magbigay ng pangungusap na may tayutay.

Juan: Ahem... "Ang tatay ay nadapa, Tayu Tay! Tayu Tay!


Boy 1: Lahi namin ang mahabang buhay, lolo ko namatay 88 years old na.

Boy 2: Ako lolo ko namatay 98 years old.

Boy 3: Ala yan! Lolo ko sobrang tanda pinatay na lang namin.


Doc: Ano trabaho mo iha?

Girl: Substitute po.

Doc: Hindi kaya prostitute?

Girl: Hindi po. Mama ko po yung prostitute. Kapag tinatamad siya, ako po yung substitute.

"Pustahan"

Isang araw, may isang babaeng matanda na pumunta sa bangko. Nakabag na puno ng pera at pinipilit na gusto niyang makausap ang presidente ng bangko dahil kailangan niyang magbukas nang savings account para sa dala niyang pera.

Kaya ang ginawa ng mga empleyado sinamahan siya sa opisina ng presidente.

Sa loob ng opisina, tinanong siya ng presidente, "Gaano po ba kalaking pera ang gusto niyong ideposito lola?

"Sampung milyong piso", sagot nang matanda sabay latag sa dalang pera sa mesa.

Nabigla ang presidente at may halong pagdududa kung paano nagkaroon ng ganon kalaking pera ang kaharap niya, kaya tinanong niya ito, "Ma'am, nagulat lang po ako kung paano po kayo nagkaroon ng ganyan kalaking pera. Kung ayos lang po sa inyo, puwede ko bang malaman kung saan po galing ang perang yan?"

Tugon naman ng matandang babae, "Iho sa pakikipagpustahan ko lang yan nakuha!"

"Pustahan? Anong klase pong pustahan?" ang naging tanong ng presidente.

"Halimbawa, pustahan tayo na ang b*yag mo ay hugis parisukat. Itataya ko itong perang dala ko."

"Ha ha ha!" napatawa ng malakas ang presidente. "Lola naman paano naman mangyayari yun na ang b*yag ko eh hugis parisukat. Sigurado po ba kayo, baka pagsisihan niyo lang yan sa bandang huli?"

Walang pag-aalinlangang sinabi ng lola... "Oh ano tinatanggap mo ba ang hamon ko?"

"Walang problema lola, pupusta ako ng sampung milyon na ang b*yag ko eh hindi hugis parisukat."

"Okay, dahil sa malaking pera ang nakataya dito, bukas isasama ko ang aking abogado para maging witness sa napagkasunduan natin, ok lang ba yun?" tanong ng lola.

"Walang problema lola", sagot ng presidente ng bangko habang nakangiti. Alam niyang sa kanya na ang sampung milyong piso.

Kinagabihan sa bahay ng presidente, para makasiguro tiningnan niya sa salamin ang kanyang b*yag, paikot-ikot at paulit-ulit kung hugis bilog nga ito kabaligtaran sa hula ng lola na hugis parisukat ito. Pagkatapos niyang tingnan, ngayon sigurado na siya na bilog nga ang kanya at matatalo niya sa pustahan ang matandang babae.

Kinabukasan, eksaktong alas diyes ng umaga, dumating ang lola kasama na ang kanyang abogado sa opisina ng presidente. Pinakilala niya muna ang kanyang abogado sabay sabi sa presidente: "Iho sampung milyon, na ang b*yag mo ay hugis parisukat", walang pag-aalinlangang sabi ng lola.

Sumang-ayon naman kaagad ang presidente sa halagang napagkasunduan nila. Kaya sinabi ng matandang babae na ibaba na niya ang kanyang pantalon para makita nila kung anong hugis nga meron ang presidente. Sumunod naman ang presidente. Maingat na tiningnan nang lola ang b*yag nang presidente at nagtanong kung pwede niya itong hawakan para makasigurado siya.

"Sige lola kayo ang bahala. Ang sampung milyon ay napakalaking pera kaya kailangan sigurado tayo," sagot ng presidente.

Sa tagpong iyon, napansin ng presidente na inuuntog nang abogado ang ulo niya sa dingding ng opisina. Kaya't nagtatakang tanong ng presidente sa lola- "Ano bang kalokohan ang ginagawa ng abogado niyo lola?"

Sagot ng lola, "wala naman, meron lang naman kaming limampung milyon na pustahan, na sa araw na ito, hawak-hawak ko ang b*yag ng presidente ng bangko."

pamatay na TAGLINES (reloaded)


"pinapaikot mo lang ako!
Nagsasawa na ako. Mabuti pang
patayin mo na lang ako"
-electric fan

"Alam mo ba wala akong ibang hinangad
kundi ang mapalapit sayo.
pero patuloy ang pag-iwas mo"
-ipis


"Hala! sige magpakasawa ka!
Alam ko namang katawan ko lang ang
habol mo."
-hipon


"Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang
maraming tao ang nagagalit! wala ba akong
karapatang magmahal?!?"
-gasolina

"Hindi lahat ng green ay masustansya."
-plema

"Sawang sawa na ako palagi nalang
akong
pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na
ako."
-Bola

"you never know what you have
till you lose it.
and once you lose it, you can never
get it back"
-snatcher

Sige, batihin mo ako....
Sigeee.....BATEEEEEE!!!!!!!!
-omelette

"wag mo na akong bilugin.."
-kulangot

Tuesday, May 13, 2008

Pamatay na TAGLINES"

- mga taglines na pumatay sa tagline ko..

"Bakit ba pati ako, binibigyan nyo ng malisya? Ano ba ang kasalanan ko?!"
- Talong


"Hindi lahat ng malakas, super hero!"
- Putok


"Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?"
- Lego


"Halika, bigyan mo pa ako ng init. Kailangan kong pumutok para ako'y
iyong matikman at ika'y masarapan. Ayan na! Puputok na! Humanda ka!"
- Popcorn


"Kahit papaano, gusto ko din ng exposure!"
- Singit


"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sa iyo. Ayoko lang
naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo na lang ako itanggi!"
- Utot


"Hindi lahat ng hinog ay matamis!"
- Pigsa


"Kapag ang katawan mo'y nag-iinit, lagi na lang ako ang hinahanap mo.
Maya't maya mo akong ginagamit at pinapagod. Hindi ka na naawa!"
- Aircon


"Pagod na akong humawak ng balls mo! Pagod narin ako sa
pagbihis-hubad mo sa akin. Malapit na naman ulit! Ayoko na!!!"
- Christmas Tree.


"Sige, kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!
-deodorant


"Ako lang ang makakapagpadugo ng ilong ni Manny Pacquiao!"
- English

"Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa
tuwing wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod ako sa pagngiti!"
- Smiley

"Bakit ayaw nyo pa rin sa akin kahit sosyal at maganda ako? Dahil ba
mas sweet ang iba?".
- Fruitcake


"Panakip butas mo lang pala ako!".
- Panty

"Hindi lahat na walang salawal ay bastos!"
- winnie d' pooh

"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka, mahirap ka ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?
- TV


"Hindi lahat ng maasim may vitamin C"
-kili kili


"Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!
-Libag


"Bwisit na buhay ito! Araw-araw na lang, itlog! Umaga, tanghali, gabi, itlog! Itlog! Itlog! Lagi na lang itlog!"
-Brief

Monday, May 12, 2008

"Ako ang SAGING ng WAP"

              yan ang katagang inimbento ko para magkaron lang ako ng subtitle, nakakairita kase pag papasok ka ng chatroom tapos tatanugin ka, "ikaw ba si saging ng Airg? pW? Kindat? LCW? WWF? MILF?" at least may tagline ka na di ba?

airg Dito sa AirG tumubo ang SAGING, nagsimula yan nung makahawak ako ng N6600 at natuklasan ko na may ibang silbi pa pala ang CP bukod sa pag teteks, sa GLOBE ko pa yan pinapasok dati 50 pesos a day ang puhunan para makipagtsismisan.




              matapos ko magpakawala ng limpak limpak na salapi, natutunan ko na pwede palang libre yun. madami akong nakilalang matatalinong mandurugas kaya nakalikom ako ng mga impormasyon, hanggang sa nagmagaling na naman ako at gumawa ng sarili kong wap site, gaya ng ibang napagtagumpayan ko. hindi ko na din nauupdate yun.

              Sa kasalukuyan, ako ang tumatayong Moderator ng Airg Friendster, imbakan yun ng mga Airg chatters na may Friendster. last year nabuo ang idea kasama ang ilang Skolarz kung tawagin, para magkaroon ng source at mas makilala pa ang mga nakakatsismisan nila sa wap, meron din "Skolarz ng AirG Wapchat Group" na isang friendster Group naman na ako din ang nagpakana.

              Tumutulong din ako sa mga wapmasters sa paglikha ng mga korning logo para sa kani-kanilang site. Hindi ako nagkakapera sa WAP kase hindi ako marunong nun, wala namang nagmamagandang loob na magturo sakin, pero hindi ko na hinangad yun. pangarap ko lang naman na matatak ang pamagat ko sa mga WAP chatrooms para naman makasulat ako ng "Alamat ng SAGING" na pwede kong maisiksik sa pinakaiingatan kong slumbook.

Sunday, May 11, 2008

Anong ginagawa ng SAGING sa Blogosphere?

Bakit ako Gumawa ng Blogger?



simple lang.. nainggit ako sa iba na meron.. iba kase talaga ang "saging" may pagka masokista, ndi naman marunong ng mga mark-up language o flash animation e nagpupumilit pa din, minsan naisip ko papasa kaya ko sa "Fear Factor"?


Mapapansin sa larawan na meron akong hawak na aso, (obvious naman planggana yan), meron din kase akong hilig sa musika, isa yan sa mga napagtuonan ko nang pansin nung wala pa akong cellphone. bukod sa Gitara, natuto din akong mag Keyboard (wala sa larawan), Bass (wala sa larawan), Drums (wala sa larawan), Brick Game, Atari, SEGA, Game Boy at Game n' Watch. Naging libangan ko din nuon ang pagbibilang ng butiki sa kisame at pagpaslang sa mga yakie na ipis.. Eiww!


» Kung nababasa mo ang nababasa mo ngayon malamang hindi ka na bumalik, kase baka maisip mo na wala kang mapapala, pwes nagkakamali ka baka pag balik mo e meron na. pero ganun pa man, nais kitang pasalamatan sa pagdamay mo sa kabaduyan at kakornihan ko pakiusap ko na lang e wag mo patayin ang nagturo sau dito.. sa halip ay ituro mo na lang sa iba mong kakilala ang site na to para makaganti ka, at sa bawat 10 na mapapapunta mo d2, magkakamit ka ng libreng plastic balloon. at pag umabot ka ng 20 saka mo matatanggap ang pang ihip.