"Ako ang SAGING ng WAP"
yan ang katagang inimbento ko para magkaron lang ako ng subtitle, nakakairita kase pag papasok ka ng chatroom tapos tatanugin ka, "ikaw ba si saging ng Airg? pW? Kindat? LCW? WWF? MILF?" at least may tagline ka na di ba?
Dito sa AirG tumubo ang SAGING, nagsimula yan nung makahawak ako ng N6600 at natuklasan ko na may ibang silbi pa pala ang CP bukod sa pag teteks, sa GLOBE ko pa yan pinapasok dati 50 pesos a day ang puhunan para makipagtsismisan.
matapos ko magpakawala ng limpak limpak na salapi, natutunan ko na pwede palang libre yun. madami akong nakilalang matatalinong mandurugas kaya nakalikom ako ng mga impormasyon, hanggang sa nagmagaling na naman ako at gumawa ng sarili kong wap site, gaya ng ibang napagtagumpayan ko. hindi ko na din nauupdate yun.
Sa kasalukuyan, ako ang tumatayong Moderator ng Airg Friendster, imbakan yun ng mga Airg chatters na may Friendster. last year nabuo ang idea kasama ang ilang Skolarz kung tawagin, para magkaroon ng source at mas makilala pa ang mga nakakatsismisan nila sa wap, meron din "Skolarz ng AirG Wapchat Group" na isang friendster Group naman na ako din ang nagpakana.
Tumutulong din ako sa mga wapmasters sa paglikha ng mga korning logo para sa kani-kanilang site. Hindi ako nagkakapera sa WAP kase hindi ako marunong nun, wala namang nagmamagandang loob na magturo sakin, pero hindi ko na hinangad yun. pangarap ko lang naman na matatak ang pamagat ko sa mga WAP chatrooms para naman makasulat ako ng "Alamat ng SAGING" na pwede kong maisiksik sa pinakaiingatan kong slumbook.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home