SALISI
Sa tuwing pinatutulog ni Eugene ang kanyang anak na si Nena ay lagi nya itong pinaaalalahanan na magdasal muna. Isang gabi, sa huli ng kanyang dasal ay kanyang nabanggit na, "God bless mommy, God bless daddy, God bless grandma, and Goodbye grandpa".
Sabi ni Euegene, "Bakit mo nasabing goodbye kay lolo mo?" Sabi naman ni Nena--"ewan ko po, dumulas lang ho sa bibig ko eh". Kinabukasan namatay si lolo. Inisip naman ni Eugene na isang aksidente lang yun.
Makalipas ang isang buwan may nasabi na naman si Nena. "Gob bless mommy, God bless daddy, and goodbye grandma." Kinabukasan, namatay si lola. Inisip ni Eugene na siguro ay may kontak ang batang ito sa itaas.
Makalipas ang ilang linggo narinig nya ang anak na nasabing, "God bless mommy and goodbye daddy". Biglang nagulat si Eugene, nagtayuan ba naman ang kanyang mga balahibo sa takot!
Hindi sya makatulog nung kinagabihang iyun. Pagdating ng madaling araw ay uminom siya ng kape at pumunta ng opisina. Inisip nya na doon ay ligtas siya. Naghintay sya hanggang hating-gabi bago umuwi. Pag-uwi, sinalubong sya ng kanyang asawang umiiyak. "Anong nangyari at humahagulgol ka dyan?" Pahikbing sinabi ng asawa na,
"Yung Kartero, namatay na!"